Unang transgender sa The Voice

Unang transgender sa The Voice

#TVPatrol Kilalanin ang Pinay na si Angel Bonilla, ang kauna-unahang transgender contestant sa "The Voice" sa Amerika. BASAHIN: bit.ly/2Fpgz60

Posted by TV Patrol on Friday, 9 March 2018

Sa blind audition sa 'The Voice US,' napabilib ng Pinay transgender na si Angel Bonilla ang isa sa mga celebrity judge na si Adam Levine sa kaniyang version ng "Lay Me Down" ni Sam Smith.

Si Bonilla ang kauna-unahang transgender contestant ng palabas.

"My goal is to be the face of those judged, bullied, and rejected," sinabi ni Bonilla.

Kumakanta sa ilang clubs sa Los Angeles si Bonilla pero dahil nakapasok sa 'The Voice,' kinailangan niya munang huminto sa ilang trabaho.

Noong 2016, siya rin ang naging kinatawan ng Pilipinas sa isang music competition sa Europa.

"I placed second out of 56 countries. When I came back to the Philippines, I did not succeed, all the plans did not work out… But you know what, that's life," ani Bonilla.

Suportado si Bonilla ng Pinoy community, kasama na rito ang isa sa kaniyang vocal coach, ang dating aktres na si Beverly Vergel.

"When it comes to singing, talagang practice, practice, practice, prepare, watch her competitors," ayon kay Vergel.

Kasalukuyang naghahanda si Bonilla para sa Battle Rounds ng 'The Voice.'

--Ulat ni Yong Chavez, ABS-CBN News

ARTISTS

AFFILIATES

WORKSHOPS